(stay with the story my friends...this is a good one...promise..-- FOO)
take time to read this, i was really carried away ... it hurts ...
-- from ISHNABERA
"PARANG MAY KULANG"
nagising na lang ako isang umaga, naramdaman ko parang may kulang.
kumain ako ng almusal, nakausap ko na lahat ng tao sa bahay,
pero bakit ganito parang ang bigat ng pakiramdam ko.
pumasok ako sa trabaho nagiisip parin,
muntik na nga akong matisod sa kakaisip lang nito.
tinanong na ko ng mga katrabaho ko,
ano ba meron sa kin bakit ang tamlay ko.
sabi ko hindi ko alam, di ko maintindihan.
alam mo ba yung pakiramdam na parang may malaking butas sa sarili mo,
tipong merong kailangang makapuno? yun ang naramdaman ko nung araw na yun,
gusto ko na ngang sumigaw, magwala, malay ko ba kung ano lang ito.
pero hindi ko ginawa, hindi naman dapat.
mga bandang tanghali pagkatapos ng tanghalian, tumawag siya, lam mo na siya,
yung lalaking minahal ko buong buhay ko pero iniwan ako para sa ibang tao,
wala lang nangamusta lang labas daw kami pagkatapos ng trabaho,
nagisip ako ng mabuti, kung papayag ako o hindi,
naisip ko ano ba naming masama,
nasa malayo naman nagtatrabaho ang girlfriend niya,
parang malalaman diba?
natapos ang araw sobrang excited ako,
sinundo niya ako sa trabaho,
kumain kami, nagusap,
binalik ang nakaraan,
sabi ko na lang wag nang pagusapan
may buhay na siya, masaya narin ako sa buhay ko,
kaibigan nalang maibibigay ko,
ang drama pa nga sabi niya mahal pa daw niya ako,
kumpara ba ko sa bago, mas mabait daw ako,
mas maintindihin, mas understanding,
sabi ko nga aba eh bakit mo sakin sinasabi yan,
ano ito bolahan, natawa lang siya kahit hindi nakakatawa,!
nainis nga ako di ko nalang pinakita,
pero kahit na nag uusap kami nandun parin yung malaking butas,
nararamdaman ko parin,
hanggang sa naisip ko baka kulang lang ako ng pagtawag sa kanya
pero hindi naman, kase madalas ako tumatawag sa kanya,
siguro namn kilala niyo na kung sino yun.
naglalakad na kami pauwi, papunta sa auto niya,
nakalimutan ko kahit sandali ang kulang na nararamdaman.
napatawa pako sa mga biro niya,
napalo ko pa nga sa kakatawa. biglang nag ring ang cellphone ko,
kapatid niya umiiyak,
sabi ko bakit kasama ko kuya mo,
pauwi na kami.
bigla siyang natahimik,
tinanong ko bakit, at dahan dahan niyang sinabi..
"pano nangyari yun eh si kuya nadisgrasya, na total wreck sasakyan niya....
ate patay na siya" nabigla ako hindi ko maintindihan
pano nangyari na patay na siya eh kasama ko pa,
pag harap ko sa likod ko..nandun pa rin sha,
ganun pa rin suot niya pero duguan na..napaluha ako,
ngumiti lang sha at sinabi na
"naramdaman mo na ba yung pakiramdam na parang may kulang hindi mo
maintindihan kung bakit?"
napa oo nalang ako habang patuloy na lumuluha..
"papunta ako sayo ngayon, dahil gusto kung sabihin na ikaw pala yun,
yung kulang sa buhay ko..gusto ko na sana pakasal tayo...pero diba
sabi ko naman sa yo kahit anong mangyari gusto ko bago ako mamatay ikaw
ang nasa tabi ko"
tapos bigla na lang siyang nawala..
bumigat lalo pakiramdam ko, napaupo ako sa lapag,
wala na lang akong nagawa kung hindi umiyak..
bakit kung kailan lahat ng sinabi niya tama sa pandinig ko,
hangin na lang ang lahat ng ito...
"... take not for granted each moment of your life and you will find a reason to be happy each day..."