Reactions to the article below:
---------------
Well, ganyan ang usual reaction nila kapag nalamang sa UP k galing! Mga classmates ko noong highschool, cnabihan akong immoral! Kasi noon, konserbatibo ako! Ngayon naman ay, pro-abortion na ako, ok ang same-sex marriage sa akin pati homosexuality, ok prostitution, pro-pornography na ako at kng anu-ano p! Sabi nga ng mga kaklase ko nung highschool, ano raw b ang nakain ko at nagkaganun ako! napakalaki raw ng transition. Hehehehe! Ganun talaga! Kapag liberal k na, at open-minded to be exact! Inaaway na nila ako't lahat dahil immoral n raw ako. Who are they to judge me that way??? Ala silang karapatan. Kaya sobrang mahal na mahal ko ang UP kasi ito ang nagmulat sa akin ng mga bagong katotohanan na hindi ipinakita sa akin noong highschool p lamang ako! Sa UP, di ka tinuturuan maging passive! Sa UP, tinuturuan kang ipaglaban ang paninindigan mo, basta't may basehan! Dito, di ka tinuturuang maging mahina! Hangga't kaya mo, lumaban ka!
Nakakalungkot nga lang isipin n hindi p rin nagbabago ang aking mga kaklase nung highschool! Ganun p rin ang kanilang pag-iisip. Ala akong pakialam sa gusto nilang paniwalaan. Pero sana naman, huwag silang manlait ng ibang tao dahil sa hindi nito pinaniniwalaan ang paniniwala nila! -- posted by Gala_Thea on Monday, August 05 @ 23:36:59 PHT
--------
Ang galing ng pagkakasulat. Kuhang-kuha ng pulso ng mga isko at mga iska. Tatlong buwan lang ang itinagal ko sa Peyups noong taong 2000 bago ako lumayas papunta sa eksentrikong bayan ni Angkol Sammi, pero di ko malilimutan ang sinabi sa akin ng erpats ko: "Anak, ayaw kitang makita sa TV na nagsisigaw sa Malakanyang." Natawa lang ako sa sinabi niya. Sabi ko, sa panaginip lang mangyayari yun. Pero iminulat ako ng UP sa katotohanan. Sa maikling panahon, nalaman kong ang UP ay isang mikrokosmo ng lipunan, at bilang bahagi ng lipunang ito, kailangang ikaw ay makaalam, makabatid, at kumilos kung kinakailangan. Sa pagkakaalam ko, hindi itinuturo sa peyups ang manloko, pumatay, o mangurakot. Nasa sa tao na rin yun kung paano niya gagamitin ang mga regalong kaloob sa pagpasok sa pamantasan.
Sakto ka tsong. Ituloy mo ang magaling na pagsulat! --- posted by TRAM21 (napakaoa@hotmail.com) on Tuesday, August 06 @ 01:24:43 PHT
-------------------------
Anu namang katarantaduhan ang ipinagsusulat mo? Na hangga ngayon hindi mo matanggap na may mali talaga sa takbo ng pag-iisip na mga tao sa UP. Sus, hwag na tayong magmamarunong, huwag na nating palalimin pa ang diskusyon- tayo sa UP, wala talagang kwenta-- as in-- wala.
Galing ako sa kulungan kahapon. Dun ako nag-overnight. Natulog ako sa isang selda kasama ng limang UP student. Opo, yung mga tinamaan ng habang buhay na pagkabilanggo sa frat war. Siguro naman kilala mo sila. Siguro naman nabalitaan mo ang kwento nila.
Bakit may mga estudyante ng UP na naroon- sa isang maliit at mainit na selda. Bakit meron mga board topnotcher sa civil engineering at ngayon nagmumukmok sa isang sulok. Huh! Sa UP lang nangyayari ang katarantaduhan na yan.
Nangyayari ang katarantaduhan kasi baluktot ang pag-iisip natin. Kunyari me pa acade-academic freedom tayo, na kesyo may liberal education na ipinapangalandakan. Na kunwari bahagi lahat yun ng pag-oorganisa at pagmumulat. Kumbaga kasama sa pagtatanggol ng ating mga karapatan.
Sus facade lang yan. Mga panligaw sa katotohanan.
Ang totoo, tayo sa UP me kultura tayong bayolente at pyudal. Kaunting di pagkakaunawaan lang dinadaan natin sa init ng ulo. Tingnan mo ang frat, ang dami nang patay di pa natututo. Ipinapangalandakan pa mandin nila mga bastions sila ng nationalism ek ek. Tingnan mo mga faculty ng UP, di mamatay-matay mga politikahan sa loob. sus yan ba ang sasabihin mong sa UP umuusbong ang mga ideya? Sa loob ng klase, kunwari me free flowing ang discussions, andami estudyante ang di gumagawa ng assignment at nag-aaral, puro bola ang sinasabi.pinapalusot naman ng titser.
Opo, nandyan na. Kunwari maraming simposium na dito ginaganap, mga environmental, mga peace movement etc. maraming mga inisyatibo na dito nagsisimula. Pero sa totoo lang, yan ba talaga ang dominante sa UP? Sus kakaunti lang naman ang gumagawa noon. At mas lalong kakaunti yung tinatamaan ang puso sa ganung hangarin. Tingnan mo ang graduates ng UP, karamihan ba dyan saan napupunta pagkatapos ng graduasyon. Wala naman tayong ipinagkaiba sa ibang eskwelahan.
Yung mga lutang na inisyatibong ito, siya ngayon ang nagbabalatkayo na kunwari me liberal edukasyon sa UP. na kunwari ikaw-- pa-cool ang effect. Na kunwari okay ang pa-one night-one night stand, na normal ang pumukpok ng ulo ng ibang estudyante, na korning mag honor student, na cool sagut-sagutin ang magulang. Na okay tumambay na tumambay.Na patok ang di naniniwala sa Diyos. Yan na ang depinisyon natin ng UP education.
Hindi naman sa di ka naiintindihan ng di taga UP eh. Akala mo ganun sila kabobo? Akala mo lang yun. Nanghihinayang lang sila sa atin.
Nanghihinayang sila kasi sayang yung pera na ibinibigay ng gobyerno sa mga estudyante. Mantakin mo ba namang gagradwayt na, makikick out pa. E kung sa ibang anak ng magsasaka na lang yung ibinigay. Ipaalala ko lang sa iyo ang magulang ni Nino Calinao, Ang kaawaawang estudyante na binaril na walang kaalam alam. Di yan nangyayari sa UST at Ateneo. Sana di na lang siya sa UP nag-aral.
Nanghihinayang din kasi sayang yung laman ng ating kukote. Nagiging matatalinong walang kwenta. Hindi ko sinasabi na pangit ang mag-explore sa mundong ibabaw, na sumubok sa lahat ng bago sa paningin. Ang sinasabi ko ay yung responsibilidad. Na tayo ay may dahilan kung bakit narito tayo sa mundong ibabaw. Na tayo ay nag-aaral di lamang para sa ating sarili. Meron tayong magulang na may magandang pangarap sa atin. Meron tayong lipunan na umaasa sa atin na maging dahilan nila upang umangat ang buhay.
Minsan di kailangan lahat ay talino. Marami na tayo niyan sa UP. Ang kelangan natin ay puso, ang konsiyensya, ang kaluluwa. Yan ang wala tayo. At kailan man di aabutin ng iyong isip ang realisasyon na iyan. Di mo pwedeng iintelektuwalize yan. Hanggat walang kang puso, konsyensya at kaluluwa, mananatili kang bulag sa katotohanan ng UP. Ipinagmamayabang mo ang walang kwentang pamantasan.