Maraming salamat po sa Supreme Court para sa bilyong bilyong salapi na nais ninyong maibalik sa amin. Amen. Opo Amen po ang perang iyan.
Maraming salamat po sa Meralco at pinuwersa niyo kaming mamamayan na magipon ng napakalaking halaga. Salamat po talaga. Tamaan sana kayo ng kidlat reddy kilowatt.
Maraming salamat po Mark Jimenez at nagumpisa ka na ring magturo...ganyan din po nagsimula si Duavit Singson...Belated na pasasalamat nga pala sa iyo kosang Duavit. Dahil sa pag tuturo mo nasa selda na ang mag amang anak ng huweteng. Sige magturuturan na kayong mga anak kayo ng huweteng.
Maraming salamat po Abu Sayaff at napatunayan ninyong ala kwenta pala ang Miltar ng Pilipinas. Maraming salamat din po Miltar ng Pilipinas at napatunayan ninyong alang kwenta rin pala ang Abu Sayaff. Higit sa lahat, maraming salamat po sa Militar ng Estados Unidos at napatunayan ninyong ala din pala kayong kwenta. Pare pareho kayong alang kwenta. Sanay mabuwag na lahat ng militar sa buong mundo.
Maraming salamat po sa color coding na niluma na ng panahon ay ayaw pa ring itapon, na di ko pa rin madalirot kung bakit color coding ang turan eh araw ng linggo ang basehan.
Marming salamt J Lo at Ben Afleck at nagsabi na rin kayo ng totoo. Malapit na kong mamatay sa suspengs.
Maraming Salamat po sa Channel 7 at Channel 2 sa tsismis portion ninyo. Diyos ku pung pine apol. Nasusuka ko tuwing umaga pag narining ko na yung, Whaattttt!!! Makakatulung sa pag rereduce ko yung pag susuka ko tuwing umaga.
Maramng salamat Finance Secretary Jose Isidro Camacho at bumagsak ang tax collection mo. At least konti na lang ang madudukot ng sandamakmak ng mandurukot sa ating pamahalaan. Tangna, mamatay na sana lahat kayong mga kawatan sa gobyerno. Nyeta kayong lahat!!!
Maraming salamat ulit Ninoy Aquino...pag na aalala kita, naiiyak pa rin ako. Naiisip ko...may pagsa pa rin naman ang mga Pinoy. Naiisip ko, mula 1972 hanggang 1983 parang alang kapag-a-pagasa ang bayan ko. Subalit bigla, dahil sa ilang putok sa airport, may isinilang na pag asa...salamat ...maghihintay ulit ako.
Siya, hangang dito na lang po at maraming salamat sa inyong lahat.