Ang ngiti ng isang estranghero ay kagyat na sumasalisi at pumapawi sa kahit ano pa mang "balatkayo" o "pagtatago" o "pagpapanggap" mo.
Kahapon, sa Mega Mall, habang ako ay nagpapalipas ng init ng ulo, naglalakad na mabalasik ang kaanyuan, tiim ang bagang, nakasimangot, at ubus na ang pasyensiya sa buong mundo; may nasalubong akong isang pagkaganda gandang babae. Tulala, napatanga ako at laglag ang pangang napatitig at humanga sa magandang binibining yaon. Ako ay lubus na nagulat ng ubod tamis na ngumiti ang dilag na ito sa akin kahit na salubong pa rin ang kilay ko at nanlilisik ang mata sa init ng ulo. Sa isang saglit ay napawi ang lahat ng kinukuyum na galit sa aking dibdib, biglang sumilay ang araw sa aking pag mumukha at wala sa sariling napasagot ng isang ngit rin. Hinabol ng aking tingin ang binibining lumabas ng Mega Mall hanggang sa siya ay mawala na sa aking paningin at buhay. Subalit naiwan sa aking mukha at isip ang ngiting sapilitang ginising ng estrangherong nasalubong ko lang ng ilang saglit.
:: Bing Monday, December 02, 2002
[+] ::
...