:: Balisawsaw ::These are just rantings of a Fool.

:: Welcome to Balisawsaw. Pinoy na Pinoy and Proud of it!!!:: Pinoy Time : contact:: Table of Contents::Past Tags

[::..archive..::]
Powered by TagBoard Message Board
Name

URL or Email

Messages(smilies)

TABLE OF CONTENTS.....................
[Chat rooms--UP Room atbp....::]
:: Francois
:: UP Stalwarts invades WW2BAM's EB
:: Pics of the WW2BAM GEB
:: WHO WANTS TO BE A MILLIONAIRE ROOM.
:: Scenes in UP room Part 69
:: UP ROOM FIGHTS : No. 2. The Grammar Police.
:: UP ROOM KEWLEGIAN: SHARLYNPH VISITS
:: My chat with Jules?...
:: UP ROOM FIGHT NO. 1.
[Features: Posts From Friends.....::]
:: A POST FROM A FRIEND
:: ANOTHER POST FROM A FRIEND
:: MY SAD CHAT FRIEND: Post No. 1.
:: MY SAD CHAT FRIEND: Post No. 2.
[Humour.....::]
:: Chain Mail No. 4. Virus Warning Generator.
:: These are trying times
:: Chain Mail No. 3. Some Pretty Useless Things to Know
:: From Kids (humour
:: Biyaheng Peyups : Yan ba ang natutunan mo sa UP?
:: Biyaheng Peyups 2: Ang hirap maging
:: A Matter of Taste...
:: A Rhose, by Any Other Name
:: CHAIN LETTER NO. 1: Sexual Activity
:: Shit.
:: REJECTED PICK-UP LINES:.
[Inspirational..::]
:: Why We Are Poor? - Francisco Sionil Jose
:: Who is beautiful? - By Kristel S. Patapat
:: Non-alcoholic me - By Elen P. Farkas
:: Bridget Jones confessions - By Joan E. Kamatoy
:: Sex and the single Pinay - Ella Reyes
:: CHAIN MAIL NO. 2. Teacher
:: CHAIN MAIL NO. 1. Sexual Activity
:: I'VE LEARNED I'M A FOOL 1
:: I'VE LEARNED I'M A FOOL 2
:: I'VE LEARNED I'M A FOOL 3
:: I'VE LEARNED I'M A FOOL 4
:: I'VE LEARNED I'M A FOOL 5
:: I'VE LEARNED I'M A FOOL 6
[FRANCHISING..::]
:: Top 10 Reasons Why A Franchise is Better Investment
:: Franchising.
[POETRY SECTION!..::]
:: [Robert Frost]
:: THE ROAD NOT TAKEN
:: STOPPING BY WOODS ON A SNOWY EVENING
:: MENDING WALL
:: [HENRY WADSWORTH LONGFELLOW]
:: A PSALM OF LIFE
:: THE ARROW AND THE SONG
:: THERE WAS A LITTLE GIRL
:: [Robee.e.cummings]
:: i like my body when it is with your
:: RAISE THE SHADE
:: Here is little Effie's head
:: kitty". sixteen, 5' 11", white, prostitute
:: [A.E. Houseman]
:: WHEN I WAS ONE AND TWENTY
:: [Robert Herrick]
:: TO THE VIRGINS, TO MAKE MUCH OF TIME
[QUIZZES FOR WHIZZES..]
:: DRAGONS.
:: Brain Twisters
:: TWO TOUGH QUESTIONS:
:: Brain Twisters 2
:: Brain Twisters 3
[Anecdotes, Stories..]
:: Subject: EPISODE 3 - KNIGHTFALL
[Technical Posts......]
:: Tech Post 1. Table of Contents
:: Tech Post 2. New Template
:: Tech Post 3. Tag Archive
:: Tech Post 4. Adding a counter.
:: Tech Post 5. Winamp Plugin for Yahoo Messenger.
[::..Blogs of Friends..::]
:: UP Room Reggies
:: Official Homepage of the University room c/o Bryan
:: WW2BAM FORUM
:: Liteandbubbly
:: Meg
:: Persh
:: Myst
:: Kenchi
:: Andi
:: Mambie
:: schadenfreude
:: cutepnayflava
[::..Finalists for Filipino Blog Site of 2003..::]
:: amaya.pixeltastic.com
:: arvie.net
:: carlo.smallvilleph.com
:: ceaselesswanderings.com
:: cooking.houseonahill.net
:: evoque.org
:: fembot.tk
:: fourmistakes.pitas.com
:: greencapsule.org
:: ia.has.it
:: inababes.neominds.net
:: invaliddomain.com/~vern/
:: jikjikjik.blogspot.com
:: kabog.tk
:: kerentan.com
:: kwebgimo.com
:: cheesedip.com
:: nonstandardized.com/reboot.htm
:: pinkkeith.com/grinninglady
:: secretsigh.cjb.net
:: so-phobic.com
:: starbuckscoffeeforfree.com
:: suburbanwit.blogon.com
:: thirdcharm.blogspot.com
:: tin.smallvilleph.com
:: twentyplusone.tk
:: ulan25.so-phobic.com/blog
:: venice.fateback.com
:: yel.scarbitten.co.uk
:: clever-mind.net
:: sylvergenesis.com
:: lockload.com
:: makulit.org
:: nimrodel.net
[::..Finalists for Most Informative Blog of 2003..::]
:: ederic.com
:: twentyplusone.tk
:: fourmistakes.pitas.com
:: cooking.houseonahill.net
:: neocentric.org
:: bukayo.tk
:: jobert.blogspot.com
:: kulukoynimart.blogspot.com
:: 622design.com/blogger.html
[::..Finalists for Filipino Blogger of 2003..::]
:: taglish.blog-city.com
:: ceaselesswanderings.com
:: cooking.houseonahill.net
:: ia.has.it
:: inababes.neominds.net 
:: invaliddomain.com/~vern/
:: jikjikjik.blogspot.com
:: lockload.com
:: pinkkeith.com/grinninglady
:: so-phobic.com
:: starbuckscoffeeforfree.com
:: thirdcharm.blogspot.com
:: twentyplusone.tk
:: ulan25.so-phobic.com/blog
:: Adam Lasnik
:: Bill Walsh
:: Blog Sisters
:: Brooke Shelby Biggs
:: David Weinberger
:: Deborah Branscum
:: Dervala Hanley
:: Doc Searls
:: George
:: Gretchen Pirillo
:: Halley Suitt
:: JD Lasica
:: Jeneane Sessum
:: Leslie Harpold
:: Matt Pfeffer
:: Meg Hourihan
:: Mihai Banulescu
:: Mihai's LLSchoolJ
:: Mike Golby
:: Nino Marchetti
:: Peter Maass
:: Rebecca Blood
:: Richard Cody
:: Rick Talbot
:: Shelly Powers
:: A Small Victory
:: Stephanie Losi
:: Tim Farmer
:: Tom Tomorrow
More journalists
:: Blog List 1
:: Blog List 2

[::..recommended sites..::]
:: Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ)
:: Phil. Zip Codes
:: Phil. Typhoon Update
:: Maritess & SuperFriends
:: Free Translation
:: CNET News.com
:: Human Rights Watch
:: Poynter
:: SatireWire>Online Journalism Review
:: The Washington Post
:: Poynter
:: Bubble wrap
:: How to dance properly
:: I'd love to, but...
:: Web economy bullshit generator
:: Word game of the day

:: December 13, 2002 ::

I'd Like to post in full an article from Jose Lacaba a holder of various awards including Palanca, Catholic Mass Media Award, Urian, Film Academy of the Philippines, Star Awards, Famas, Manila Film Festival, Manila Critics' Circle, National Press Award).

KAKUWANAN
Jose F. Lacaba

BAYAN KO: LABAN O BAWI?


MAY MGA kaibigan at kakilala akong nag-iisip nang mangibang-bayan. Hindi naman sila mga Amboy na may mental colony, at ang ilan pa nga sa kanila ay magiting na lumaban sa dalawang People Power Revolution sa Edsa. Pero nitong mga nakaraang araw, seryosong pinag-aaralan ng mga kaibigan at kakilala kong ito ang posibilidad na mag-immigrate sa Canada o Australia.

Kung baga, pagod na sila sa laban, bawi na ang gusto nila.

Hindi ko naman sila masisi. Ibon mang may layang lumipad, kapag matagal-tagal nang nakakalanghap ng makamandag na hangin dito sa ating bayang magiliw, ay makakaisip na talagang mag-alsa-balutan at mag-TNT.

At hindi sila nag-iisa, o nag-iisandaan, o nag-iisang milyon. Ayon sa pinakahuling survey ng Weather-Weather Station, 69 porsiyento ng ating mga kabataan--at siyento-porsiyento ng mga sidewalk vendor at ng mga presong nahatulan ng kamatayan--ay ayaw nang maging Pilipino. Mas gusto nilang maging Men in Black. O kaya'y X-Men. O kahit na
Hobbit.

Ang 30 porsiyento naman, ayon pa rin sa nasabing survey, ay gustong sumapi sa Yaya Sisterhood. Mas malaki kasi ang kita sa pag-aalaga ng isang uhuging sanggol sa Hongkong kaysa pagtuturo ng 50 uhuging bata sa ilalim ng punong mangga sa Barangay Bagong Bakuna.

Gayunman, lumalabas sa survey na may isang porsiyentong nakalaan pa ring manatili sa ating lupang tinubuan. Ito'y binubuo ng mga sumusunod na sektor: pulitiko, kidnap-for-ransom gang, Abu Sayyaf, at SWAP (Samahan ng mga Walang Atik at Pamasahe).

"Wala na talagang pag-asa ang Pilipinas, sa kabila ng dalawang Edsa at isang Diosdado Macapagal Avenue," himutok ng mga nawalan na ng pag-asa.

Kabilang sa mga ibinigay na dahilan ng paglaganap ng kawalang-pag-asa ang umusunod: di-masawatang krimen, di-kinokolektang basura, di-makontrol na polusyon, sobrang trapik, walang-tigil na pagtaas ng presyo ng gasolina at galunggong, kawalan ng hanapbuhay, paghihigpit sa mga pelikulang bold, at pagpapakasal ni Assunta kay Kongresista Jules.

Takang-taka ang mga kaibigan ko't kakilala kung bakit pinipili kong dito pa rin manirahan sa loob ng bayan nating sawi. Ang una nilang tanong ay: "Bakeeet?!" At ang ikalawa'y: "Is that your final answer? Do you sure?"

Ganito ang sagot ko sa kanila.

Sa ganang akin, mas masarap pa ring mabuhay sa Pilipinas dahil exciting ang buhay dito, hindi boring. Kung masyadong plantsado ang bawat araw at gabi mo, kung sukat na sukat ang bawat oras mo mula sa pagpasok sa trabaho hanggang sa pag-uwi ng bahay, mamamatay ka sa antok. Samantalang dito sa atin, makapigil-hininga at makabagbag-
damdamin at puno ng misteryo ang bawat sandali, tulad sa telenovela.

Paglabas mo ng bahay, hindi ka nakatitiyak na walang aagaw sa cellphone mo. Pagtulog mo sa gabi, hindi ka nakatitiyak na walang magtatanggal sa side-view mirror ng kotse mo.

Kahit superbilyonaryo ka at marami kang security, tulad ni Kongresista Imee Marcos, puwede ka pa ring mabiktima ng akyat-bahay. At kahit superpobre ka at walang mananakaw sa bahay mo, tulad ng mga taga-Payatas, puwede namang mabagsakan ng bundok ng basura ang barungbarong mo.

Sa madaling salita, kung narito ka sa Pilipinas, para kang laging nakakapanood ng palabas sa circus. Marami kang makikitang naglalakad sa alambreng tinik, at kabilang sa makikita mo ay ang iyong sarili.

At saka, marami namang magagandang nangyayari sa ating bayan. Sa kabila ng kapalpakan at kasuwapangan ng maraming taong-gobyerno, mayroon namang gumagawa ng kabutihan. Halimbawa, sa Iloilo ay ipinagbawal na ng alkalde ang bikini car wash. Sa gayon, napangalagaan niya ang dangal, puri, at kalusugan ng kababaihan.

Nawalan nga ng trabaho ang mga nakabikining kumikita noon ng P400 isang araw, pero hindi na sila sisipunin. Kung ipasiya nilang magputana lang, baka mas malaki pa ang kanilang kitain.

Salamat din sa pangangalaga sa moralidad na ginagawa ng mga taong-simbahan, hindi ka na makakabili ngayon ng condom sa 7-11 at iba pang convenience store. Posibleng lalong lumaganap ngayon ang AIDS sa Pilipinas, o kaya'y maraming mabubuntis na hindi puwedeng magpalaglag, pero kasalanan nila iyon. Mahilig kasi silang manood ng
Joyce Jimenez sa Pasay, e di, ayan, impiyerno sa lupa ang bagsak nila.

Kahit ano pa ang sabihin tungkol sa Pilipinas, grabe rin naman ang kalagayan sa ibang bansa.

Sa New York, halimbawa, kabubukas lang ng Museum of Sex. Diumano, mayroon itong layuning historikal at edukasyonal, at ipakikita nito ang "sexual landscape" sa pamamagitan ng retrato, poster, painting, libro, at pelikula, na mangyari pa ay puro malaswa at mahalay sa paningin ni Cardinal Sin.

Alam ba ninyo ang implikasyon ng ganitong Museum of Sex? Lalo pang mapapariwara ang maraming kalalakihang Amerikano, na pagkatapos ay magsusundalo, at pagkatapos ay ipapadala sa Pilipinas para sa Balikatan, at pagkatapos ay magsisilang ng isa na namang henerasyon ng mga walang-tatay na tisoy at tisay, na pagkatapos ay kukuning
artista ni Kuya Germs at sa kalaunan ay magiging bold star, na pagkatapos ay pupukaw sa makamundong pagnanasa ng mga manonood, na paglabas ng sinehan ay manggahasa ng unang babaeng makikita nila, na dahil walang condom ay magsisilang ng sanggol na may AIDS, at pagkatapos...

Diyos na mahabagin! Wala na bang katapusan ang trahedya ng sambayanang Pilipino?

Teka muna, bawi na rin yata ako. May mapapasukan kaya ako sa Timbuktu?

OTHER LACABA WRITINGS (BLOGGER NOTE: I will add other links when i find them)
Ang Damit
Santong Paspasan
Kundiman Sa Panahon Ng Ligalig
Sa Lupa
Hindi Hari, Hindi Pari
KUNG SA BAGAY


:: Bing Friday, December 13, 2002 [+] ::
...
Comments: Post a Comment

This page is powered by Blogger. Isn't yours? Weblog Commenting by HaloScan.com