Sa totoo lang, ako'y nalilito sa mga pangyayari...
Di makaya ng powers ko na intindihin kung bakit nauwi sa digmaan ang pagtatalo ni bush at ni saddam...
Nung humarap kasi ako sa tangke sa EDSA...maliwanag sa akin noon...
Na ang kalaban ko ay isang diktador...
Na ang sandata ko ay mapayapang pamamaraan...
Sa isyu ng diktadurya ni Saddam sa bayang IRAQ...at sa mistulang diktadura naman ng AMERIKA sa sandaigdigan...
Ay di ko malaman kung saan ako papanig...O may dapat ba akong paningan?
Ang totoo, ay ayaw kong pumanig sa dalawang diktadura....
Ayaw kong manindigan at kumampi kay Bush o kaya ay kay Saddam, ang berdugo ng IRAQ
Ako'y nalilito...
Di kaya dapat lang na ang isipin ko ay ang kapakanan ng mga iraki.
Isipin ko na lang na suwapang sa poder si Saddam at ipinagkanulo ang bayan at mga mamayan ng iraq
Isipin ko na lang na suwapang sa poder ang AMERIKA at ipinagkanulo ako, ikaw...tayong lahat.
Hayun...naglalalagan na ang mga prutas ng digmaan...
Parang piyesta sa kalangitan ng irak...
Kaydaming kuwitis na nagpuputukan...
Nagpipiyesta ang mga ganid sa poder
Mali si Bush, Mali si Saddam,
Mali din noon si Markos, Mali and Amerika,
Ng di sila kumibo habang naghahari si Markos.
Self Interest, Greed, Lust for Power...Ang Kanilang DIYOS.
Ang masa, masa lamang, ang may makatarungan at tunay na interest.
Bagamat nagunaw ang Twin Towers Sa New york
At napugso ang tining ng tatlong libong kaluluwa,
Di matanggap ng powers ko na may karapatan ang sinuman
Magpaulan ng impiyerno sa lupain ng mga arabo
Na tama silang sa paghahasik ng lagim sa kalangitan ng gitnang silangan.
Ang tama lamang po ay ang mga kaawa awang paslit,
Na magkakagutay gutay sa mga lansangan ng bagdad.
Nalilito lang po ako sa mga pangyayari...
Na madudurog ang katawan ng mga batang ito,
Na ang kadahilanan ibinigay ni Bush at ni Saddam ay ang kapanan din ng mga musmos ng bagdad..