Alam niyo ba kung pano bastusin, hiyain at kunan ng pagkatao ang isang babae? Subukan niyo kayang tawagin siyang puta, bitch, slut o whore. Ang mga salitang ito ay may sapat na kapangyarihan para lunurin siya sa libo-libong drum ng kahihiyan. Sapat na ang mga ito para mawalan siya ng pagkatao at respeto.
Ayon sa iilang nakapanayam na gumagamit ng mga nasabing salita, ang mga salitang ito ay maaring maging pangngalan, pang-uri at pang-abay. Ang puta at ang mga kasamang salita ay panawag sa babaeng papalit-palit ng boyfriend, nauubusan ng tela manamit, mahilig makisalamuha sa mga lalake, laging may make-up, di na virgin, easy to get, bastos magsalita at iba pang may mga katangiang di kanais-nais para sa isang dalagang Pilipina.
May ibang tao na gumagamit ng mga salitang ito na hindi bumabase sa mga nasabing kriterya. Maari itong gamitin sa isang babaeng umagaw ng boyfriend mo o sa babaeng crush ng crush mo. Maari mo rin itong gamitin sa taong kinaiinggitan mo, sa taong feeling mo lang ay mas maganda sa iyo o kaya ay sa sino mang nagpapainit ng ulo mo.
Ang mga salitang ito ay maari mong sabihin sa ibat-ibang paraan. Maari mong sabihin sa harapan nila at sa harapan ng maraming tao, maari ring itsismis mo sa isa para itsismis sa iba, maaari rin naman na isulat mo sa dingding ng kubeta.
Ang mga taong napapagsabihan ng nasabing salita ay nakakaramdam ng mga bagay na lubhang masakit at nakaka-apekto sa ikabubuti ng pagkatao. Sila ay nawawalan ng respeto at tiwala sa sarili, nagkakaroon sila ng di pagkaunawa sa sariling nararamdaman at higit sa lahat, sila ay nakakaramdam ng di pagtanggap mula sa mga taong nakapalibot sa kanila.
Ngunit, kahit-ano pa man, kahit na binigyan tayo ng laya na sabihin ang nais nating sabihin, wala pa rin tayong karapatan na manghusga. Hindi natin alam ang tunay na dahilan sa kanilang mga inaasal. Isipin ng ilang beses ang mga sinasabi, huwag padalosdalos. Bago magsalita, tingnan muna ang sarili. Baka ikaw mismo ay karapatdapat ding tawagin na puta. Sa paggamit pa lang ng nasabing salita ay isang uri na ng pambabastos at sapat na para na ibilang ka na rin sa kanila.
:: Bing Monday, April 14, 2003
[+] ::
...