Unang Eksena: Hapunan. Sa isang "Fine Dining" Restaurant. Nakaupo at wari'y magsisimulang kakain ang isang lalake at babae ng kani-kanilang pagkaing nakahain sa kanilang lamesa. Pareho silang bihis na bihis at mukhang galing opisina.
LALAKE: Nagbibiro lang ako nu'n...
BABAE: Paano ko malalaman...na nagbibiro ka lang nu'n...Hindi mo naman nilagyan ng "U" na may umlaut sa dulo...
LALAKE: "U" na may umlaut?
BABAE: Oo. Yung "U" na may umlaut? Yung smiling face? At huwag kang magpapalusot na bulok ang model ng telepono mo't wala kang character na gano'n...
LALAKE: Wala nga...
BABAE: Pwede ba...
LALAKE: Totoo... wala nga...
BABAE: E di sana gumawa ka ng paraan, pwede namang "open parenthesis" tapos "colon" or "open parenthesis dash colon" kung gusto mong may ilong. (Hihirit ang lalaki) O-o-o... huwag mong sabihing wala ka pa rin nu'n...
LALAKE: Meron.
BABAE: O kitam. Wala akong pakialam kung jolog ang cellphone mo, ang sa 'kin lang... sana gumawa ka ng paraan... para hindi tayo nauuwi sa mga nakaka-iritang pag-uusap dahil ang labo mo!
LALAKE: Ang labo ko?!... Tama na... kumakain tayo (Pabulong) Ako pa'ng malabo...
BABAE: Oo ikaw! Hindi mo malaman kung seryoso ka, o galit ka, o nagbibiro! Nasaktan ako nung natanggap ko yun, dahil 'kala ko seryoso ka... tapos ngayon sasabihin mong nagbibiro ka lang...
LALAKE: (Magtataas ng boses) E sa wala nga ako nung "U" na may umlaut!!
BABAE: A basta... hindi ka gumawa ng paraan.
LALAKE: Oo na... next time... "open parenthesis dash colon"... may ilong pa 'yon ha... Kumain na tayo.
BABAE: At isa pa, pa'no ko iisiping nagbibiro ka lang at di ka galit samantalang naka-ALL CAPS ang message mo, remember?! ALL-CAPS!?! Do you know what that means?!
LALAKE: Tell me.
BABAE: (Nangungutya) Hmm. Isipin natin. (Biglang sasampalin ang lalake) 'Yan! 'Ayan ang pakiramdam ng ALL-CAPS mo!!! (Sisimulan ng babae kumain)
LALAKE: D‚j… vu... for the Nth time... walang lower case function ang telepono ko! Masanay ka ng mukhang galit ang mga messages ko!
BABAE: Ipanakaw mo na yang 2-liner, antiquated, cellphone mo para makabili ka na ng bagu-bagong modelong may "U" na may umlaut at lower case function! Ang LABO MO!!
LALAKE: Bakit ikaw rin naman ah?
BABAE: Anong ako?
LALAKE: Oo ikaw.
BABAE: Ako...malabo? Excuse me!?! 'Pag ako nagpapadala mg message, direct to the point, malinaw pa sa araw.
LALAKE: Bakit nung nililigawan kita puro "I LAB U" ang padala mo?!
BABAE: So? Anong malabo dun?
LALAKE: LAB? LAB? Helllooooo... L-A-B?! (Pause) Hindi L-U-V. Hindi L-O-V-E. Ang pagkaka-"spell" mo... L-A-B!! "I LAB U." Matutuwa pa naman sana ako nung una kong natanggap 'yon. Sasarap sana ang gising ko. Pero nag-alangan ako... dahil baka biro lang o di kaya'y pa-cute na consuelo de bobo para dalhan pa rin kita ng dalhan ng paborito mong pulburon araw-araw sa skul. Di ko malaman kung seryoso kang mahal mo 'ko...Tapos akala ko magbabago 'yun nung naging tayo...Pero hanggang ngayon ganun pa rin. "I-L-A-B-U." Ano kaya yun?! Tell me, how am I suppose to commit my undying love to a person who sends half-hearted messages of love like that?! ILABU? ANG LABO! Ikaw ang malabo!
:: Bing Thursday, June 26, 2003
[+] ::
...
Comments:
What might be the phono-graphological anaylsis on this po please😔