Tama ka na alam na nating lahat yan. Lahat ng kababalaghan, lahat ng
tsismis, alam na natin yan. Kaya lang hangang doon na lang tayo. Hangang
ALAM lang.
Pero kahit minsan ba, sa buong buhay mo, e gumawa ka na ng hakbang para
malaman mo kung ano ang totoo, ano hindi? Nagtanong ka na ba lagpas sa
katabi mong cubicle kung ano na ang balita at hindi ang tsismis?
At kung minsan man ay nalaman mo na may katiwalian, may mali, nagtaas ka ba kahit ng kalingkingan para itama ito? Nagsulat ka ba ng kahitisang
maikling liham para ipakalat ang nakita mo?
Sabagay di mo na kailangang maging concerned para maging cool. Di na uso yon e. Napaglumaan na ng panahon.
Wala yatang nakapagsabi kay Lt., wala ng kwentang pahalagahan ang Filipino.
Di na nagcliclick ang coup, strike etc. Sagabal lang sa traffic at nakakasira pa ng plano, date sa mga coño. Wag ka na ring gumawa ng letter of
concern, letter to the editor atbpa. Wala na namang nagbabasa non e. Sa yo Lt. kung makakarating ito. Wag mo ng isipin ang Filipino. Di na uso.
:: Bing Tuesday, July 29, 2003
[+] ::
...