Bakit Kaya Ikaw Pa? May 04, 2003
by: Quickmelt
(am not very sure if this one is by quickmelt)
Sa lahat naman ng pwedeng mahalin eh bakit kaya ikaw pa?
Ikaw na hindi dapat mahalin…
Ikaw na kaibigan lang ang tingin sa akin…
Ikaw na alam kong sasaktan lang ako…
Ikaw na baka may mahal ng iba…
Eh bakit nga kaya ikaw pa rin ang pilit na isinisigaw ng puso ko?
Ang kulit di ba? Mahal nga kaya kita? O baka naman ah ewan basta ang alam ko masasaktan lang ako pag patuloy kitang alagaan sa puso ko. Pero masisi mo ba ako kung mahal nga kita? Hindi mahirap mahalin ang isang tulad mo, ikaw na antagal ko ng pinapangarap na makasama.
Magulo talaga ang mundo. Kapag gusto ka, ayaw mo. Kapag gusto mo naman, ayaw naman sa’yo. Pero di ba mas masakit kung mahal mo, mahal ka... pero di naman naging kayo??? *KABOOM* Ganun lang talaga yata… Blame it to the irony of life!
Minsan lang talaga bad trip yang’ love love na ‘yan. Iwasan mo, ikaw lang din naman ang nasasaktan. Sundan mo, ikaw lang naman ang mapapagod at kung mamalasin ka, ikaw pa ang tatakbuhan ayun iiyak ka lang din. Ibigay mo ang lahat, kulang pa rin. Nagpakatanga ka na, nagbulag-bulagan ka pa, minsan ginagago ka na at lahat nagtitiis ka pa rin pero iiwan ka rin pala… Just for the sake of love kumbaga! Minsan naman hintay ka ng hintay, sobrang tagal pero willing ka pa rin to wait for “the One” sa buhay mo pero that was what 5yrs ago? The clock is ticking pero wala pa ring sign na darating nga sya o baka naman na-traffic lang. Pucha naman, sana nag-mrt na lng sya di ba? O baka naman naligaw, alam mo na men has difficulty in asking directions… sunduin mo na lang kaya? O baka naman talaga you are one of those cursed ones that will spend their lives alone… old maid, spinster oh my hindi kakayanin ng powers ko ‘yan!
Minsan naman kung hindi ka ba naman inaasar ng love love na yan’ eh di assuming dumating na si “the One” sa buhay mo eh di akala mo ok na lahat smooth sailing na kumbaga pero Alas somebody came along na talagang nagpatibok ng puso mo.. Eh di “its sad to belong to someone else when the right one comes along” ang drama mo eh teka teka paano mo malalaman kung sya na nga ung “right One” this time? Hay naku naman! Icontinue natin ang drama, eh di naloka ang beauty mo guilty ka syempre kase committed ka na sa bf mo pero may iba naming sinasabi ang puso mo. Worse, ung tinitibok ng puso mo eh mahal ka rin… mahal ka rin as a friend nga lang! Ouch na naman!
What now my foolish heart? Are you just gonna blame it on love?
Kung bakit naman kse ok na eh, masaya ka na nga uli eh di ba antagal mong hinintay na maramdaman uli na may nagmamahal sa’yo ng ganito. You waited so long for this love to come and remember the time you first felt that you are willing to take all the risk. Parang sa Game Ka Na Ba pag’ tinanong ka ni Kris Aquino, In love ka na ba sa taong ito, sure ka na ba? SURE NA! Eh bakit a few months later eto at confused ka… isang simpleng katangahan lang nga kaya ang magmahal?
Ano naman ang gagawin ko? Eh ikaw ang hinahanap ng puso ko, pangalan mo pa lang kinikilig na ako eh di lalo na kapag nagtext o tumawag ka.. eh paano na lang kapag nakikita at nakakasama kita. Mahal nga kaya kita? O baka naman naoverwhelm lang ako kse you’re a good friend. How can I love you when I’m supposed to be loving somebody else? Eh ako kaya mahal mo rin?
Hmm, bakit kasi ikaw pa? Sana sana hindi na lang!
:: Bing Monday, July 07, 2003
[+] ::
...