Sagot ni Capt. Trillanes sa inyong maalab na liham
Sa aking mga kababayan:
Ako'y natutuwa sa inyong pagdamay sa akin, sampu ng aking mga kasamahan sa military. Nakakatuwa ang mga pangyayari nitong nagdaang Linggo, at sana naman ay naging unique naman ang inyong panoorin. Nakakasawa din naman ang SOP at ASAP. Tingnan nyo naman at pareho silang replay.
Ang tanging hiling ko lang sana ay magkaroon kami ng drama anthology na pagbibidahan namin ni Jolina at Judy-Ann. Pareho ko kasi silang crush.
Sana naman ay mayroong magkainteres na director sa aking acting ability.
Wala pa akong formal acting workshop niyan ha!
Kung di man ako magkaroon ng showbiz career, puede ko rin namang ipagpapatuloy ang aking nasimulan sa aking thesis. Sa totoo lang, mayroon
pa akong 100 na thesis na gusto sanang ipagbili sa Recto. Dahil meron na rin naman akong media mileage, palagay ko naman ay mataas na sa?singkuwenta pesos ang bentahan ngayon ng mga thesis ko, di ba? Nais kong ipahatid ang aking katuwaan at kaligayahan sa mga suhestiyon niyo tungkol sa pagnenegosyo. Matagal ko na talagang iniisip ang fashion designing bilang career. Wala pa kasing militar na naging fashion consultant.? Puede na ba ang "Magdalo's Fashion and Beauty Center?"?
Sana naman ay mabigyan nila ako ng business space diyan sa Rustan's para naman malapit-lapit din sa Oakwood-nagkaroon na kasi ng sentimental effect ang lugar na yan para sa akin.
Sa aking mga kapatid sa military, inaanyayahan ko kayo na magsimula na ring mag-isip ng inyong mga gimik.? Marami pa akong thesis na naisulat
---- coup de' etat sa Enchanted Kingdom,?military take over?sa Music Museum?o kaya nama'y pag-aaklas sa Splash Island.? Siguraduhin niyo lang na pagdating ng 5:00pm?ay handa na kayong magsisigaw ng "Joke! Joke! Joke!"
Muli ay nagpapasalamat ako sa?inyong pagsubaybay sa aking?military, at marahil, sa aking movie career.? Aasahan ko ang inyong pagsuporta.
Umaasa,
Lt. SG Antonio Trillanes IV
:: Bing Tuesday, July 29, 2003
[+] ::
...