Sana nga, ganun lang kasimple 'yun at ganun kadali pagtawanan.
Pre, naranasan mo na ba makitang patayin ng kaaway ang isa mong kaibigan? Kung hindi ka NPA, malamang, hindi. Naranasan mo na bang pumatay? Mas mabigat ito. Yung kaibigan na namatay, lilipas din ang sakit noon. Pero yung taong pinatay mo, baka di mo malimutan habangbuhay.
Alam mo ba kung paano makipaglaban ang mga Scout Rangers? Kadalasan, dala ng pangangailangang masorpresa ang kaaway, kailangan mong gamitan ng bayoneta ang tanod sa kampo ng rebelde na lulusubin nyo. Kung naaalala mo pa ang bayonet training mo sa ROTC, di biro pumatay sa pamamagitan ng bayoneta. Mararamdaman mo ang laman ng taong pinapatay mo. Makikita mo pa ang mukha niya habang unti-unti siyang namamatay - makikita mo ang pagkabigla, pagmamakaawa, at ang pagkalungkot sa mukha niya habang nari-realize niya na mamamatay na siya.
Alam mo kung kanino ko ito natutunan? Sa isang miyembro ng RAM na trainor namin sa ROTC (yun ang parusa sa kanila, nademote at inilagay sa harmless na positions sa NCRDC). Alam mo, pre, aktibista ako nung college at meron akong natural aversion at pagkainis sa mga RAM. Tingin ko sa kanila mga Marcos loyalists at Gringo boys na disgruntled dahil di sila nabigyan ng sapat na recognition at reward nung 1986. Pero dun sa 32 days na ROTC training ko sa Fort Bonifacio, natutunan ko ring irespeto ang mga trainors namin. Di naman pala lahat ng RAM/YOU members e mga bobong Gringo fans. At higit sa lahat, natutunan ko sa kanila na di pala okay ang giyera (pangarap ko maging NPA commander dati e).
Akala ko, para sa mga Scout Rangers at sa iba pang mga sundalo, sisiw ang labanan at ang sarap manalo sa labanan. Hindi pala. Doon sa bayonet training namin, inamin nung trainor na yung unang taong pinatay niya sa pamamagitan ng bayoneta, naaalala niya palagi ang mukha at di siya pinatulog ng ilang buwan.
Alam mo pre, tao rin yang mga yan, katulad natin. Mahilig ding makinig ng mga kanta ni Noel Cabangon. Yung trainor namin, si Capt. Flordeliza, narinig ko pa "" - Cotabato. Di biro itaya ang buhay para sa bayan."". At kapag narealize mo na itinaya mo ang buhay mo, at kumitil ka ng buhay para sa mga layuning taliwas pala sa interes ng bayan, pagkatapos mong bangungutin at lahat dahil sa mga kaibigan mong namatay at sa mga na pinatay mo - di ka ba maiinis at kukuha ng M-60 at mag-rarambo? Kung tutuusin, napakaayos pa nga ng ginawa nila Trillanes.
Ewan ko sa inyo, pero ako, kahit na di naman ako nagbuwis ng buhay at di naman ako pumatay, medyo naiintindihan ko ang pagkabuwisit ng mga sundalong ito. Naalala mo ba ang mga sakripisyong hiningi sa atin ng dot-com employer mo? Tapos wala namang kinahinatnan? Ano naramdaman mo kung narealize mo na balewala lahat ng pagpapagod at pagpupuyat? Ako, naka-tatlong palpak na dot-com at isang palpak na startup ako. Buti ako, meron naman akong naipong IT skills in the process na magagamit ko para bumangon muli. E itong mga sundalong ito, ano ang saysay ng naipon nilang karanasan sa pagpatay?
Pangalawa, pre, paalala lang, di imposibleng totoo ang mga bintang nitong mga sundalong ito. Kung babalikan natin ang kasaysayan, may gumawa na nito 30 years ago. Na-trace na ba kung saan nakakuha ng C-4 ang mga teroristang nangbomba sa Davao? Sa pagkakaalam ko kasi, di madali makakuha ng C-4, at AFP lang dapat ang" ang palusot, may nag-imbestiga ba kung bakit ganun tayo kadali manakawan?
Hinay-hinay sa pagbibiro, pre. Dahil di na nakakatawa kung totoong pinaglalaruan ng mga pulitiko ang buhay at kamatayan - literally - ng mga Pilipino.
Kung ipinasa nyo sa mga kaibigan nyo yung open letter na nakakatawa, sana ipasa niyo rin ito.