Nagkagulo dito sa upisina namin sa makati kamakalawa. Inatake daw ng lovsan virus ang network namin. Ang sabi ng netadmin, ang MS Blaster worm daw ay isang salbaheng program na inilalagay ng mga walanghiyang tao sa mga computer para macontrol nila ang computer natin. Bakit? Upang ang mga computer na ito ay gamitan nila para lusubin, lunurin at atakihin ng sandamakmak na pag-access ang isang website ni bill gates ang may ari ng microsoft.
Awa ng diyos na patch din nila yung mga operating systems sa opisina at na update ang antivirus software namin. Pero may mga naburang files at nahinto ang ibang koneksiyon namin papunta sa ilang upisina. Napuyat din si Netadmin kaya mukhang unggoy kahapon. Ako din natakot kaya tumawag ako sa bahay at dalidaling pinagbawal ang paggamit ng internet sa dalawang computer sa bahay namin. (note dala
:: Bing Wednesday, August 13, 2003
[+] ::
...